Nation

218 BATA NAKINABANG SA MEDICAL MISSION SA PARANAQUE

/ 22 April 2023

PINANGUNAHAN ng tanggapan ni Paranaque City 1st District Rep. Edwin Olivarez ang pagsasagawa ng medical mission nitong Abril 19 sa Don Galo Elementary School.

Sinabi ni Olivarez na ang medical mission na tinawag na “Pedia Day: Eh Kasi Bata!” ay inorganisa ng kanyang congressional staff na kinabibilangan nina Eva Nono, Mar Jimenez, at Bernie Amurao.

Umabot sa 218 kabataan ang lumahok sa naturang medical mission na nag-alok ng libreng konsultasyon sa mga pediatrician, check-up, x-ray at ECG (electrocardiogram)na isinagawa mula alas- 7 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Ang pagsasagawa ng medical mission ay dinaluhan din ni Mayor Eric Olivarez at ng kanyang anak na si Councilor Pablo “Pao” Olivarez II.

Bukod kina Mayor Eric at Councilor Pablo ay dumalo rin sina Ospital ng Parañaque I (OsPar I) Hospital Director Dr. Jefferson Pagsisihan, Hospital Administrator Dr. Darius Sebastian at Chief Nurse Meda Calderon na nagsagawa ng consultation at checkup sa mga bata.

Dagdag pa ni Olivarez, bukod sa libreng konsultasyon at checkup ay pinagkalooban din ang mga tsikiting ng mga lobo at school supplies pati na rin ng libreng vitamins.