KabataanSaHalalan

ROBREDO HINDI NABABAHALA SA RESULTA NG MGA SURVEY

HINDI nababahala si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa resulta ng mga survey.

/ 16 March 2022

HINDI nababahala si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa resulta ng mga survey.

Sa latest survey ng Pulse Asia, nangunguna pa rin ang katunggali nitong si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

“Kami sineseryoso namin ‘yung surveys. Sineseryoso namin pero kung ang tanong nababahala ba kami, hindi,” ani Robredo.

Sinabi niya na ang kanyang ranking sa mga survey ngayon ay nagpapaalala sa kanyang posisyon sa vice presidential survey noong 2016 kung saan kalaban din niya si Marcos.

“Coming from 2016, halos ganito ‘yung trajectory na coming from 1-2%, pero pumalo talaga numbers ko late March and April already,” ayon kay Robredo.

“Kung babalikan natin ‘yung surveys noong 2016, at this time of the campaign, iba pa ‘yung ranking ng mga kandidato,” dagdag pa niya.