KabataanSaHalalan

PACQUIAO MAGLALAGAY NG PASTOR SA KANYANG GABINETE KAPAG NAHALAL NA PANGULO

MAGLALAGAY si presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao ng mga pastor sa kanyang Gabinete kapag nahalal siyang pangulo sa eleksiyon sa susunod na taon.

/ 19 November 2021

MAGLALAGAY si presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao ng mga pastor sa kanyang Gabinete kapag nahalal siyang pangulo sa eleksiyon sa susunod na taon.

Nangako naman si Pacquaio na ang mga karapat-dapat lamang sa posisyon ang kanyang itatalaga.

“Hindi rin naman tayo basta-basta mag-appoint. As long as they are Godly. Nararapat lamang sa posisyon n’ya. Halimbawa, boxing ang labanan, hindi mo puwedeng ilagay d’yan ’yung swimmer. Kumbaga, kung ano ang fit sa trabaho n’ya at kaya n’yang gampanan, doon natin siya ilagay dahil d’yan maraml siyang magagawa,” aniya.

Ginawa ni Pacquiao ang pahayag sa kanyang pakikipagpulong sa 400 Evangelical Christian pastor sa bayan ng Guiguinto, Bulacan sa pangunguna ni Bishop Ted Malangin.

Aniya, nais niyang tiyakin na ang kanyang administrasyon ay bubuuin ng mga maka-Diyos na tutulong sa kanya na maibalik ang magagandang ugali ng mga Pilipino.

Bukod sa kanyang Gabinete, ang mga lider ng relihiyon ay magiging bahagi rin, aniya, ng kanyang sariling ‘anti-corruption task force’ na kanyang bubuuin pagkatapos maupo sa puwesto.