KabataanSaHalalan

BBM MAGIGING UNANG ‘MAJORITY PRESIDENT’ — CHAVIT

SINABI ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang magiging unang ‘majority president’ sakaling manalo ito sa nalalapit na halalan.

/ 4 March 2022

SINABI ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang magiging unang ‘majority president’ sakaling manalo ito sa nalalapit na halalan.

Ibinatay ito ni Singson sa resulta ng mga survey na nagpapakita na si Marcos ay nais ng hindi bababa sa 50 porsiyento ng mga respondent.

“Sabi ko nga kanina — magiging majority president, ngayon lang. Ever since wala tayong majority president, puro – like for example si President Duterte malakas pero 16 million lang nakuha niya at 25 million ‘yung hindi bumoto. Pero this one, more than 50 percent na. Lahat naman ng survey ganoon, eh,” sabi ni Singson.

Iginiit din ni Singson, ang LMP president, na 80 porsiyento ng mga mayor na miyembro ng LMP ang sumusuporta sa tandem nina Marcos at Sara Duterte-Carpio.