Campus

WALANG ENTRANCE EXAM SA FEU INSTITUTE OF LAW

/ 4 May 2021

PARA mas marami ang maengganyong kumuha ng kursong Abogasya, wala nang entrance examinations sa Far Eastern University Institute of Law.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Mel Sta. Maria, dean ng FEU College of Law, na patuloy ang pagtanggap nila ng mga aplikante.

Sinabi niya na para maging mabilis ang admission ay maaaring mag-apply online.

Dahil pandemya pa rin ay nagsagawa na sila ng mga webinar sa kanilang faculty members upang maging epektibo ang pagtuturo sa distance learning.

Marami rin, aniya, silang ginagawang inobasyon para sa mas malinaw na interaksiyon sa online studies.

Inanunsiyo pa ni Sta. Maria na nasa Makati City na ang FEU IL para kung magkaroon na ng face-to-face classes ay magiging accessible ito sa mga estudyanteng nakatira sa Metro Manila at maging sa Southern Tagalog.