Campus

STARLAND INTERNATIONAL SCHOOL MAY TUITION DISCOUNT SA INCOMING GRADES 7 AT 11 STUDENTS

/ 10 December 2020

INANUNSIYO ng Starland International School sa Quezon City ang pagkakaloob ng discount sa tuition ng mga incoming Grades 7 at 11 student para sa school year 2021-2022.

Ayon sa eskuwelahan, ang discount ay nasa P5,000.

Mayroon ding 20 porsiyentong discount para sa mga estudyanteng may solo parent, PWD learners at indigenous peoples, habang 10 porsiyentong discount ang ipagkakaloob sa mga anak ng miyembro ng PNP at AFP.

Libre naman ang pag-aaral ng pinakabatang kapatid na naka-enroll sa SIS kung may apat na magkakapatid ang naka-enroll sa eskuwelahan.

Bukod dito, may P4,000 ang mababawas sa tuition kung 10 taon at mahigit nang nag-aaral ang estudyante sa SIS, P3,000 kung anim hanggang siyam na taon at P2,000 kung tatlo hanggang limang taon na.

Gayunman, nilinaw ng paaralan na isa lamang sa nabanggit na mga discount ang maaaring makuha ng isang estudyante.

Mayroon ding P2,000 cash incentive kung makakapag-refer ang estudyante na mag-aaral sa SIS.