Campus

PNP ACADEMY COVID-FREE NA

/ 29 October 2020

IDINEKLARA ni Philippine National Police Academy Director Maj. Gen. Gilberto Cruz na Covid19-free na ang PNPA matapos na makarekober ang mga kadete at kawani nito mula sa nakamamatay na virus.

“In a short period of time, we recovered from the Covid19 pandemic,” wika ni Cruz habang inilulunsad ang mga susunod na proyekto ng akademya.

Ang pahayag ay ginawa ni Cruz makaraang gumaling ang nasa 236 na kadete at 13 kawani noong nakaraang buwan. Dagdag pa rito ang 359 na nakakuwarentena noong huling dalawang linggo.

Wala pang opisyal na anunsiyo pero inaasahang babalik na sa regular face-to-face classes ang PNPA sa lalong madaling panahon.

Tiniyak ni Cruz na ginagawa nila ang lahat para hindi maantala ang pag-aaral ng mga tagapagtanggol ng bayan.

Kinausap na rin ng pamunuan ng akademya ang mga magulang ng bawat mag-aaral at mayroon nang bagong ibinabang kautusang makapagpapanatili sa malusog na pangangatawan ng bawat isa.