Campus

PLMun NAGLULUKSA SA PAGKAKAPASLANG SA DATING FACULTY MEMBER

/ 2 September 2022

NAGDADALAMHATI ngayon ang Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa sa pagkakapaslang sa dati nilang estudyante na si Lieutenant Reynaldo Samson.

Si Samson ay nagsilbing faculty member ng College of Arts and Sciences at presidente ng MPC-PLMun Alumni Association.

“Lt. Reynaldo Samson shows an Outstanding PNP Personnel award he received as deputy chief of Parang Municipal Police Station last year,” ayon pa sa pahayag ng unibersidad.

Dati rin siyang iskolar ng tanggapan ni Mayor Ruffy Biazon noong ito ay kinatawan ng Muntinlupa City.

Magugunitang si Samson at ang kanyang driver/security na si Cpl. Salapuddin Endab ay namatay nang pagbabarilin umano ng Moro extremists habang magsisilbi lamang ng warrant of arrest.
Sugatan din sa insidente ang tatlong pulis na convoy ng police official.