Campus

NATIONAL COSTUME NG MISS U CANDIDATE GAWA NG CENTRAL LUZON STATE U STUDENT

/ 3 May 2021

ISANG malaking karangalan para sa isang 20-anyos na college student mula sa Central Luzon State University sa Nueva Ecija na kunin ang kanyang serbisyo ng isang kandidata sa 69th Miss Universe para gumawa ng national costume nito.

Ang 2021 Miss Universe ay gaganapin sa Florida, USA sa Mayo 17.

Sa isang panayam, sinabi ni Kennedy Jhon Gasper ng Barangay Uno, San Mateo, Isabela na labis ang kanyang saya nang mabigyan ng oportunidad matapos na pumatok at pagkaguluhan sa online ang kanyang design at fashion sketch, kung saan personal umanong nagmensahe sa kanya ang isang kandidata ng Miss Universe 2021 mula sa Africa.

Kuwento ni Gasper, katuwang niya ang mga kaibigan sa paggawa ng national costume at apat na araw nila itong ginawa at noong Biyernes ay ipinadala na sa Amerika.

Si Gasper ay kasalukuyang nasa ikatlong taon sa kursong BS in Fashion and Textile Technology Major in Fashion Designing sa CLSU.