Campus

FACEBOOK NG HOLY ANGEL U STUDENT COUNCIL NA-HACK

/ 4 December 2020

SA KASAGSAGAN ng final exams ng Holy Angel University ay na-hack ang opisyal na Face-book page ng School of Engineering and Architecture Student Council noong Disyembre 1.

Ang hacker ay nag-post ng sunod-sunod na pahayag na nagpapakita ng pagkadismaya sa pamunuan ng HAU.

Bandang alas-12:11 ng umaga lumabas ang una nitong status na “Dsfafsddfs”. Sinundan ito ng “School is soooo bad gays” at “Fuck the school.”

Nabura kaagad ang mga post makalipas ang ilang minuto, pero nakalikom na ito ng daan- daang reaksiyon, komento, at shares mula sa mga mag-aaral ng HAU.

Naglabas naman ng pahayag ang SEA-SC at sinabing agad nilang aaksiyonan ang insidente. Sinimulan na rin nila ang imbestigasyon upang managot ang may sala.

“CSC was alerted at the very moment and took appropriate actions immediately. We are still in the process of identifying what happened and how it happened,” sabi nila.

Pansamantalang nawala ang Facebook page pero bumalik din kinabukasan.

“The CSC-SEA would like to apologize for the recent incident that occurred on our Facebook page. We assure everyone that security checks and improvements were done with all of our social media accounts,” pahayag ng SEA-SC.