Campus

ENROLLMENT PARA SA SHORT COURSES SA PLMUN SISIMULAN NA

/ 13 July 2022

SISIMULAN na sa Huwebes, Hulyo 14, ang enrollment para sa mga nais kumuha ng short courses sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa.

Sa anunsiyo ng Office of the University Registrar, may mga itinakdang petsa para sa enrollment sa short courses para sa Academic Year 2021-2022.

Para sa regular students, maaaring mag-enroll sa Huwebes, Hulyo 14,  hanggang Biyernes, Hulyo 15.

Habang ang irregular students ay sa Hulyo 16 hanggang Hulyo 17.

Gayunman, dapat nang iabiso ng irregular students sa kanilang program chair ang napiling iskedyul mula Hulyo 13 hanggang Hulyo 15 bago mag-enroll.

Para sa iba pang katanungan at paglilinaw, maaaring magpadala ng mensahe sa ICT Office of the Help Button sa portal o sumulat University Registrar sa [email protected].