Campus

ADIK SA BOYS LOVE SERIES? MAG-ARAL NG THAI SA UP LING EXTRAMURALS!

/ 19 August 2020

MAGANDANG balita sa mga masugid na tagapanood ng Boys Love Thai Series!

Maaari na ninyong  lampasan ang subtitles ng paborito ninyong BL Series dahil  kinumpirma ng University of the Philippines Diliman Department of Linguistics na magbubukas  sila ng dalawang bagong Thai classes sa susunod na buwan.

Parte ito ng Cycle 3 ng Foreign Language classes ng UP Ling Extramurals. Mayroong Thai 1 para sa mga walang matibay na pundasyon sa wikang Thai at Thai 3 para sa mga nagtapos na ng Thai 2.

Ang mga propesor na magtuturo ng mga kurso ay bihasa sa naturang wika at may mahabang taong karanasan sa pamumuhay sa iba’t ibang panig ng Thailand.

Ang pagpapatala sa Thai 1 ay magsisimula na sa Agosto 30, 10 n.u. Dahil limitado lamang ang slots, first-come, first-served basis ang ipatutupad  nila sa enrollment.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang  bit.ly/excrs.