Bulletin Board

SINAYA: ANG UNANG LAYAG

20 October 2021

Ihanda na ang inyong mga sarili sa mga kapanapanabik na kaganapan sa ating palatuntunang pinamagatang “Sinaya: Ang Unang Layag”. Ipamalas ang natatanging talino at husay sa mga inihandang patimpalak, at payabungin ang kaalaman mula sa ating mga natatanging panauhin at tagapagsalita.

Kasama ang Real Excellence Online CPA Review, sa pakikipagtulungan ng FranchiseManila.com, J’s Lifestyle, BCV Accounting Book Shop, Offgrid, Grinders Café, at katuwang sa pamamahayag ang Edge TV Philippines, Carthal Manila, The Philippine Online Student Tambayan at Coach Boost Gio. Markahan na ang inyong mga kalendaryo at sabay-sabay tayong maglayag sa darating na ika-29 hanggang ika-30 ng Oktubre 2021.