Overtime

NCAA: LETRAN SILAT SA EAC

6 November 2026

NAGTALA ng malaking upset ang Emilio Aguinaldo College Generals matapos pabagsakin ang Colegio de San Juan de Letran Knights, 78-71, sa NCAA Season 102 men’s basketball kahapon sa Playtime FilOil Centre sa San Juan.

Umangat sa 6-6 kartada ang Generals at nakasalo ang Arellano University Chiefs sa ikalawang puwesto sa Group B.

Nanguna si Jacob Shanoda sa EAC matapos magtala ng 16 puntos, 8 rebounds at 2 assists. Nagdagdag naman si Jude Bagay ng 12 puntos, kabilang ang isang krusyal
na three-pointer sa mga huling minuto ng laro.

Nag-ambag  si MJ Raymundo ng 10 puntos, karamihan ay galing sa unang dalawang yugto, upang tulungan ang Generals na mapanatili ang kanilang kalamangan.

Maagang nagpakita ng lakas ang EAC matapos kunin ang 21-17 bentahe sa unang quarter at palakihin ito sa 45-37 pagsapit ng halftime.

Lalong lumayo ang Generals sa ikatlong yugto nang magtala ng 18 puntos habang nilimitahan ang Knights sa 14, para dalhin ang 63-51 kalamangan sa huling quarter.

Umabot pa sa 17 puntos ang bentahe ng EAC, 72-55, sa fourth quarter bago nagtangkang bumawi ang Letran.