NCAA: AURIGUE ISINALBA ANG LYCEUM VS MAPUA
Mga laro ngayon: (Playtime FilOil Centre) 3 p.m. - CSB vs JRU 5 p.m. - Arellano vs EAC
22 September 2026
KUMONEKTA si Lance Aurigue ng mga krusyal na basket sa endgame upang akayin ang Lyceum of the Philippines Pirates sa 88-87 pagtakas sa Mapua University Cardinals sa NCAA Season 102 men’s basketball kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Matapos na magpalitan ng lamang ang dalawang paaralan, nagsalpak si Aurigue ng dalawang basket at isang three-point play upang ibigay sa Pirates ang gahiblang 86-85 abante.
Nagdagdag pa si Aurigue ng dalawang free throws para iangat ang lamang ng Lyceum sa 88-85, ngunit nagawa itong ibaba ng Mapua sa 87-88 nang ipasok ni Marc Cuenco ang dalawa sa kanyang tatlong free throws.
Pinakaba muna ni Aurigue ang mga tagasuporta ng Pirates nang magmintis sa kanyang dalawang free throws, may limang segundo pa sa laro, ngunit sablay rin ang three-point attempt ni Yam Concepcion para sa Mapua.
Nagtala si Aurigue ng double-double na 21 puntos at 13 rebounds, habang nagdagdag sina Renz Villegas at Matthew Rubico ng 17 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod. Angat ang Lyceum sa 1-1 karta.
Nagbida si Cuenco sa kanyang 15 puntos para sa Mapua, may tig-14 sina Ivan Lazarte at Marcus Nitura, habang tumapos sina Jamal Diaz, Mark Igliane, at Concepcion na may 13, 11, at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod-sunod. Bagsak sila sa 0-2.