SAN BEDA DINUNGISAN ANG ARELLANO SA V-LEAGUE
PINATAOB ng San Beda University ang dating walang talong Arellano University, 25-20, 25-11, 20-25, 25-23, upang manatiling buhay ang kanilang pag-asa na makapasok sa semifinals ng 2026 V-League Collegiate Challenge kagabi sa Mandaluyong City.
Pinangunahan ni Angel Habacon ang Lady Red Spikers at kinilala bilang Player of the Game sa malaking panalo ng San Beda.
Umangat sa 3-3 ang Lady Red Spikers at nakipantay sa University of the East at University of Perpetual Help Lady Altas sa karera para sa Final Four.
Agad na kinuha ng San Beda ang kontrol sa laban matapos dominahin ang unang dalawang sets at magkaroon ng malaking kalamangan.
Hindi naman sumuko ang Lady Chiefs at nagawa nilang maagaw ang ikatlong set, 25-20, upang pahabain ang laban at buhayin ang kanilang tsansa.
Naging dikit ang ikaapat na set, ngunit nanatiling kalmado ang Lady Red Spikers sa mga huling palitan bago tuluyang isara ang laban sa 25-23.
Sa kabila ng pagkatalo, nanatili sa ibabaw ng standings ang Arellano sa 5-1.