Overtime

NCAA: 2-0 TINUHOG NG KNIGHTS

Mga laro sa Lunes: (Playtime FilOil Centre) 3 p.m. - Lyceum vs Mapua 5 p.m. - Perpetual Help vs San Sebastian

19 September 2026

NAITALA ng Colegio de San Juan de Letran Knights ang ikalawang sunod na panalo sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament matapos tambakan ang San Sebastian College-Recoletos Golden Stags, 99-62, kahapon sa Playtime FilOil Centre sa San Juan.

Kaagad na nagparamdam ng bangis ang Knights sa first quarter mula sa opensa ni Lorge “Chad” Gammad para sa 24-15 abante bago ito pinalobo sa 49-27 sa halftime.

Nagpatuloy ang arangkada ng Knights sa second half matapos itarak ang 75-47 kalamangan sa third quarter bago pinalawig ang kanilang kalamangan hanggang 31 puntos.

Kumamada si Gammad ng 19 puntos, limang steals, apat na rebounds, at tatlong assists para mahirang na Player of the Game para sa Knights, na umangat sa 2-0 kartada.

Nagbida si Denzil Sison-Walker para sa Knights sa kanyang 25 puntos, habang kumonekta naman si Jonathan Manalili ng 13 puntos, siyam na assists, at limang steals.

Nanguna si Khit Barroga sa kanyang 15 puntos habang may 10 marka naman si Matt Acosta para sa Golden Stags, na laglag sa 0-2 marka.

Samantala, Hindi natuloy ang unang laro sa pagitan ng San Beda University Red Lions at Jose Rizal University Heavy Bombers matapos na maging madulas ang playing court dahil sa malakas na ulan.

Itinigil ng NCAA managing committee ang laro sa nakatakdang double-header habang nasa first quarter pa lamang, kung saan lamang ang JRU sa San Beda, 9-3, may 5:25 minuto pa ang nalalabi.

Wala pang inilalabas na bagong petsa ang NCAA para sa pagpapatuloy ng laro. Inaasahang iaanunsiyo ito ng liga sa mga susunod na araw