Overtime

UAAP: NU PASOK NA SA FINAL 4

13 April 2026

SINELYUHAN ng National University Lady Bulldogs ang isang Final Four berth sa UAAP Season 88 women’s volleyball tournament matapos na magaan na dispatsahin ang University of the East Lady Warriors, 25-19, 25-14, 25-14, kahapon sa UST Quadricentennial Pavilion sa Maynila.

Nahila ng Lady Bulldogs ang kanilang winning streak sa tatlong laro at naitala ang ika-5 sunod na semifinal appearance mula Season 84 (2022), na tinampukan ng tatlong kampeonato at isang runner-up finish.

Sa panalo, umangat ang NU sa 9-3 kartada at kinuha ang solong ikalawang puwesto sa standings.

“We’re very grateful to be here, but we worked hard for all our games. Nothing came easy. Hopefully, it does not end with the top four—we want the twice-to-beat advantage and a spot in the finals,” ani NU head coach Regine Diego.

Matapos maungusan sa ikatlong set, 11-9, mabilis na bumawi ang NU sa pamamagitan ng isang 9-0 run sa tulong nina Sam Cantada, Vange Alinsug, Arah Panique, at Alexa Mata upang muling makontrol ang laro.

Tinapos ng Lady Bulldogs ang laban sa loob ng 84 minuto, tampok ang mahahalagang puntos ni Panique at ang panghuling block ni Chamy Maaya.

Pinangunahan ni Alinsug ang balanseng opensa ng NU sa naitalang 11 puntos, bukod pa sa 11 excellent receptions at tatlong digs. Nagtala rin ng tig-11 puntos sina Cantada at Panique.

Patuloy namang nahihirapan ang UE, na nananatiling walang panalo sa loob ng 12 laro at pinalawig ang kanilang losing streak sa 26 mula pa noong nakaraang season.

Samantala, umangat sa three-way tie  sa ikatlong puwesto ang Far Eastern University Lady Tamaraws (7-5) matapos ang 25-21, 22-25, 25-19, 25-22 panalo sa University of the Philippines Fighting Maroons (5-7).

Nanguna si Clarisse Loresco sa ka