WALANG OFW NA NAKAPASA SA MEDTECH EXAM
KINUMPIRMA ng Professional Licensure Examination (SPLE) na walang overseas Filipino worker na nakapasa sa pagsusulit para sa Medical Technologist.
Inilabas ng SPLE ang resulta ng pagsusulit nitong Hunyo 23.
Ang pagsusulit ay isinagawa noong Hunyo 6 at 7, 2025 sa mga testing center sa Abu Dhabi at Dubai (UAE); Jeddah at Riyadh (Saudi Arabia); Doha (Qatar); at Singapore.
Pinangunahan ito ng Board of Medical Technology na sina Dr. Marilyn A. Cabal-Barza, Chairman ng SPLE at Dr. Leila Lany M. Florento, miyembro ng SPLE.
Ayon sa PRC, ang SPLE ay isinagawa alinsunod sa PRC Resolution No. 1034 (s. 2017), Republic Act No. 8981, at Executive Order No. 835, para bigyan ng pagkakataon ang mga OFW na makakuha ng lisensiya habang nasa ibang bansa.
Ipinaalala naman ng PRC na ang mga examinee na hindi pumasa ngunit nakakuha ng higit sa 70% na general rating ay maaaring makapag-parehistro bilang Medical Laboratory Technician.