Nation

POLICE VISIBILITY SA MGA ISKUL PALALAKASIN

1 March 2025

MAKARAAN ang insidente ng pagdukot sa isang estudyante sa Taguig City, palalakasin ng Philippine National Police ang police visibility sa mga paaralan sa Metro Manila.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni PNP Anti-Kidnapping Group Director Col. Elmer Ragay na nakikipag-ugnayan na ang ilang lokal na pulisya sa mga school administrator.

Ayon kay Ragay, bukod sa pamamahagi ng mga materyales o impormasyon kontra kidnapping, mayroon din silang mobile team na puwedeng i-tap para magsagawa ng lecture kaugnay sa safety tips.

Sinabi rin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PBGen. Anthony Aberin na paiigtingin nila ang presensiya ng kapulisan sa mga lugar na posibleng paggawan ng ganitong krimen.

Pinalalakas na rin nila ang kanilang kampanya maging sa social media laban sa kidnapping.