Nation

28 PUBLIC SCHOOLS SA MUNTINLUPA BALIK-BLENDED LEARNING

/ 1 May 2023

BUNSOD ng matinding init na nararanasan at inaasahang titindi pa dahil sa banta ng El Nino phenomenon, 28 public schools sa Muntinlupa City ang pansamantalang babalik sa blended learning.

Ayon sa Muntinlupa LGU, ito ay para maprotektahan ang kanilang mga mag-aaral mula sa matinding init sa kasalukuyan.

Magsisimula ang pagbabalik sa blended learning sa Mayo 2 at tatagal hanggang Hunyo 2.

Nabatid na sa panahong ito, maaaring magsagawa ng online classes at traditional na in-person teaching ang mga paaralan.

Sinabi ni Mayor Ruffy Biazon na layon ng pagpapatupad ng blended learning na maingatan ang mga mag-aaral maging ang mga school personnel mula sa nararanasang matinding init ng panahon.