LIBRENG TOUR SA VARGAS MUSEUM NGAYONG PEBRERO
MAGBIBIGAY ang University of the Philippines ng libreng guided tour sa Vargas Museum mula Pebrero 14 hanggang 18 bilang pagdiriwang ng National Arts Month.
Ang mga exhibit na naka-display ay ang You Betrayed the Party Just When You Should Have Helped It; The Vargas Museum Permanent Collection; The PCGG Artworks Collection: Objects of Study; at Jorge B. Vargas: A Collecting Life, ayon sa post ng UP Vargas.
Hanggang 15 tao lamang ang mabibigyan ng libreng tour sa bawat tour. Apat na beses lamang ang libreng tour kada araw.
Para sa mga interesado, maaaring mag-sign up sa bit.ly/UPVMFreeTour.
Ang P200-guided tour rate bawat grupo ng 10 pax o mas kaunti ay magpapatuloy pagkatapos ng Pebrero.
Ang Vargas Museum ay matatagpuan sa UP Diliman, Quezon City.
Ito ay bukas mula Martes hanggang Sabado, alas-9 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon at sarado tuwing holiday.