Nation

CIVIL SERVICE ELIGIBILITY SA ROTC GRADUATES ISINUSULONG

/ 1 August 2022

PINAG-AARALAN na ng Department of National Defense ang paghahain ng panukala na magkakaloob ng first level civil service eligibility sa mga nagtapos ng Reserve Officers’ Training Corps program para sa senior high school students.

Ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong, humiling na sila ng datos sa Department of Justice, Department of Education, at Technical Education and Skills Development Authority para sa posibleng pagbuhay sa mandatory ROTC sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Layunin nitong makapagtrabaho pa rin sa gobyerno ang mga ROTC graduate kahit hindi nakapagtapos sa kolehiyo.

Bukod sa panukala, hihilingin din ng DND na huwag isentro sa militarisasyon ang ROTC program at sa halip ay gumawa ng mga aktibidad na tutugon sa climate change at pag-uusapan ang kasaysayan.

Sa State of the Nation Adress ni PBBM, matatandaang unang sinabi ng Pangulo na isusulong niya ang mandatory ROTC na binanggit pa niyang isa sa prayoridad ng kaniyang administrasyon.