KabataanSaHalalan

ONE UNITY TICKET NG OPOSISYON MALABO — LACSON

/ 29 September 2021

MALIIT ang tsansa na magkaroon ng iisang ticket ang oposisyon o ang non-administration forces para sa 2022 elections.

Ayon kay Presidential aspirant at Senador Panfilo Lacson, sa kanyang pagtaya ay napakaliit ng posibilidad na magkaroon ng one unity ticket.

“I cannot see the possibility na matutuloy pa ‘yung one unity ticket ng opposition. Medyo malabo,” pahayag ni Lacson.

“Very slim ‘yung chance na kung meron mang opening ‘yung door, I think napakasikip na ‘yung daraanan na pinto pagdating dito,” dagdag ng senador.

Una nang nagkaroon ng pagpupulong sina Lacson at Vice President Leni Robredo para sa posibilidad na magkaisa ang mga grupo na posibleng lumaban sa administrasyon sa 2022.

Subalit sinabi ni Lacson na ang iba pang personalidad na nakausap ni Robredo tulad nina Senador Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno ay nagdeklara na rin ng kanilang presidential bids para sa susunod na taon.

“Let’s wait for October 8. The last day of filing and even Nov. 15, the last day for substitution before we can really conclude kung ilan ‘yung talagang formally or officially ‘yung candidates for president and vice president,” sabi ni Lacson.

Nakatakdang maghain ng kanilang certificates of candidacy sa October 6 sina Lacson at vice presidential running mate Senate President Vicente Sotto III.