GRADUATION SA PUBLIC SCHOOLS ITINAKDA SA HULYO 12-16
NAGLABAS na ng iskedyul ang Department of Education para sa graduation at moving up rites sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
NAGLABAS na ng iskedyul ang Department of Education para sa graduation at moving up rites sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Batay sa circular na nilagdaan ni DepEd Secretary Leonor Briones, ang Kindergarten, Grades 6, 10, at 12 ay maaaring magsagawa ng end-of-school-year ceremonies mula sa nasabing mga petsa o ilang araw lamang matapos ang huling araw ng klase sa Hulyo 10.
Ayon kay Briones, ang graduation rites ay nakatuon sa temang ‘Strengthening the Quality of Education Amid the Covid19 Pandemic’.
Binigyang-diin ng kalihim na hindi pa rin pinapayagan ang anumang ‘face-to-face ceremony’ alinsunod sa pinaiiral na health and safety protocols ng pamahalaan sa gitna ng pandemya.
Sa halip, magkakaroon na lamang ng virtual rites na maaaring i-broadcast sa pamamagitan ng social media platforms. Maaari namang maghanda ng maikling programa ang mga paaralan para sa okasyon.
Ang mga pribadong paaralan ay maaaring magpatupad ng sarili nilang iskedyul ng graduation at moving up ceremonies, alinsunod sa kanilang school calendars.