SENIOR HS IPINATATAYO SA MAASIN, LEYTE
ISINUSULONG ni Southern Leyte Rep. Roger Mercado ang panukala para sa pagtatayo ng senior high school sa bayan ng Maasin.
Sa kanyang House Bill 8651, sinabi ni Mercado na kailangan ng isang senior high school sa kanilang bayan para sa kanilang mga kabataan.
Ipinaalala ng kongresista na alinsunod sa Konstitusyon, mandato ng estado na bigyang prayoridad ang edukasyon para sa lahat.
“For this reason, creating a Senior High School where it is needed is simply a compliance of the said constitutional mandate,” pahayag ni Mercado sa kanyang explanatory note.
Batay sa panukala, itatayo ang paaralan sa Barangay Basak, Maasin City.
Nakasaad din sa panukala na mandato ng Department of Education na isama sa kanilang annual budget ang pondong kinakailangan para sa operasyon ng Basak Senior High School.