Nation

UNANG MISYON NG MILITAR SA UP-DILIMAN: MAGPALAGO NG COMMUNITY GARDEN?

SA KASAGSAGAN ng kontrobersiya hinggil sa pagkansela sa 1989 DND-UP agreement, wala nang nakapigil pa sa mga sundalo at pumasok na sa campus ng University of the Philippines Diliman sa Quezon City.

/ 21 January 2021

SA KASAGSAGAN ng kontrobersiya hinggil sa pagkansela sa 1989 DND-UP agreement, wala nang nakapigil pa sa mga sundalo at pumasok na sa campus ng University of the Philippines Diliman sa Quezon City.

Pinasok ng tropa ng 7th Civil Relatins Group ng AFP ang UP Diliman campus kahapon ng umaga.

Ayon kay Maj. Celeste Frank Sayson, ang Commander ng 7CRG, pakay nila na bisitahin ang “community gardens” na itinayo nila sa UP sa tulong ng UP community na bahagi ng proyektong “Raise To 1 Million Gardens in the NCR”.

Ayon kay Col. Sayson, sinimulan nila ang proyekto para makatulong sa mga nawalan ng hanapbuhay at makatiyak sa supply ng pagkain sa Metro Manila sa gitna ng pandemya, sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay sa mga bakanteng lupain sa kalunsuran.

Sa ngayon, aniya, ay anim na community gardens sa loob ng UP Campus ang kanilang minamantine.

Bukod dito, sinabi ni Sayson na sa panahon ng pandemya ay labas-pasok sila UP na naka-uniporme gamit ang mga sasakyan ng militar para maghatid ng pagkain at relief goods sa mga nangangailangan sa Brgy. UP Campus bilang bahagi ng kanilang “Kapwa ko, Sagot ko Project”.

Sa pamamagitan naman ng proyektong ito ay nakapaghatid ang militar ng reliëf goods at humanitarian services sa mga residente ng Brgy.UP Campus na kabilang sa 436,140 households sa Metro Manila na nakatanggap ng ayuda mula sa militar.