Nation

TUTOR LEARNING CHILD PROGRAM SA NAVOTAS PINALAKAS

/ 18 January 2021

PINALAKAS pa ni Navotas Rep. John Rey Tiangco ang nilikhang programa para sa edukasyon ng mga kabataan sa kanyang nasasakupan.

Katuwang ang kanyang kapatid na si Mayor Toby Tiangco ay kanilang tinututukan ang pangangailangan ng Tutor Learning Child program para sa mga kabataan.

Para matiyak na epektibo ito, kamakailan ay namahagi ng 350 Cellphone ang mambabatas para sa nasabing programa na may koordinasyon sa Department of Education.

Ang TLC ay pinagsamang proyekto ni Tiangco at ng DepEducation-Navotas na ipinatupad upang tulungan ang mga mag-aaral sa K-12 na walang sinumang nagtuturo para gabayan sila sa modular lessons o walang gadget para sa mga nag-aaral sa bahay.

Kakambal ng TLC ang Support Our Student program na isang donation drive para suportahan ang pangangailangan ng K-12 students, kabilang ang smart phones, tablets, internet load, school supplies, at iba pa.

Nangangahulugan ito na handang tumanggap ang pamahalaan ng Navotas ng mga donasyon na laan para sa edukasyon ng mga batang Navoteno.