Letters of Youth

PALAGI

/ 9 November 2022

Ikaw muna’ng sandigan
Sa dilim at sa sigwa
Sa ningning o sa tuwa
Habang wala pa’ng lahat.

‘Di ka lang pampalipas
Pipiliing dumaong
Lagpas man – dapithapon
Habang wala pa’ng lahat.

Ikaw muna’ng hantungan
Bukod-tanging parola
Pahinga sa aplaya
Habang wala pa’ng lahat.

‘Di lang pansamantala
Estrangherong kilala
Tanggap – hiwagang dala
Habang wala pa’ng lahat.

Ikaw muna’ng palagi
Dahil wala muna s’ya
‘Pagkat wala pa sila
Habang wala pa’ng lahat.

Dagat mang ‘di maabot
Alamin at ibigin
Nilalang sa salamin
Habang wala pa’ng lahat.