Region

TRAINING PLANE BUMAGSAK: FLIGHT INSTRUCTOR PATAY, ESTUDYANTE SUGATAN

DEAD on the spot ang isang flight instructor habang sugatan ang kanyang estudyante nang bumagsak ang pinalilipad na Cessna 152 aircraft kahapon sa Alaminos, Pangasinan.

/ 16 December 2021

DEAD on the spot ang isang flight instructor habang sugatan ang kanyang estudyante nang bumagsak ang pinalilipad na Cessna 152 aircraft kahapon sa Alaminos, Pangasinan.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, mula sa Fly Fast Aviation Academy ang nasabing training plane.

Kinumpirma rin ng aviation school ang pagkasawi ng flight instructor na hindi muna pinangalanan habang ang estuyante nito ay agad na dinala sa ospital.

Alas-8:22 ng umaga nang mag-take off mula sa Lingayen Airport ang nasabing eroplano para sana sa orientation flight subalit bigla itong bumagsak.

Agad namang idineploy sa crash scene ang Go Team ng CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board para tumulong na alamin ang sanhi ng sakuna.

“More information is expected to follow upon the examination of the crash scene. The names of the persons on board the aircraft have been withheld pending notification to their next of kin,” ayon sa CAAP.