Region

2 UNIVERSITIES SA CEBU CITY BINULABOG NG BOMB THREAT

/ 22 October 2024

SINUSPINDE ang klase sa dalawang malalaking unibersidad sa Cebu City dahil sa bomb threat, Lunes ng umaga .

ito ay dahil lamang sa post ng isang indibidwal sa kanyang FB account na nagsasabing “bomb successfully installed, goodbye CTU main, you have approximately 5 hours na lang”.

Isang nakilalang John Steve ang nag-post nito sa social media na agad namang kumalat sa mga estudyante ng Cebu Technological University.

Umaksiyon naman ang pamunuan ng eskuwelahan at agad sinuspinde ang klase sa lahat ng lebel .

Nag-panic at agad na dumagsa ang mga estudyante palabas ng kanilang paaralan.

Samantala, mga ilang oras lamang ang lumipas, panibagong bomb threat ang natanggap ng Cebu Institue of Technology University.

Agad ding nagsuspinde ng klase sa lahat ng antas ang administrasyon ng paaralan.

Wala namang natagpuang bomba sa loob ng nasabing mga eskuwelahan matapos na mag-inspeksiyon ang mga kagawad ng pulisya.

Sinabi ni Cebu City Police Office Chief, Col. Antonietto Canete na iimbestigahan nila ang identity ng indibidwal na nag-post sa kanyang social media account ukol sa nasabing bomb threat.

Ipinahayag din ng pulisya na mayroon na silang detalye sa pagkakakilanlan ng nasabing indibidwal.