Nation

SERBISYONG LIBRENG TAWAG, CHARGING AT WIFI NG GLOBE, PINALAWIG PA SA PALIGID NG TAAL

/ 5 July 2021

NAKAPOSISYON na sa paligid ng Taal at mga kalapit na lugar ang karagdagang serbisyong Libreng Tawag, Charging, at WiFi (LTLCW) ng Globe.  Ito ay matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Alert Level 3 o magmatic unrest sa Bulkang Taal.

Ang tumataas na lebel ng magma ay maaaring magdala pa ng mga pagsabog na mangangailangan ng paglikas ng mga residente sa mga apektadong lugar.

Simula Lunes, Hulyo 5, ang LTLCW ay magagamit na sa mga sumusunod na lugar:

GLOBE FREE CALL

Sa tulong ng Rise Against Hunger (RAH), magpapadala ang Globe ng 3,600 meal packs para sa 1,200 na pamilya. Ang RAH ay isang matagal nang partner ng Globe sa paghahanda at pamamahagi ng pagkain sa mga taong apektado ng kalamidad.

Tiniyak ng telco na mas marami pang mga libreng serbisyo ng komunikasyon ang gagana sa sandaling ideklarang ligtas para sa mga empleyado at mga partners na pumunta sa itinalagang mga lugar.

Nakaantabay rin ang teknikal at support personnel ng Globe gayundin ang mga generators para matiyak na mananatili ang mga serbisyo sa komunikasyon kahit mawalan ng kuryente.

Pinayuhan ng telco ang mga apektadong residente na manatili sa loob ng bahay maliban kung kinakailangan na lumikas, mag-imbak ng sapat na pagkain at tubig, maghanda ng mga face mask at first aid kit, magkaroon ng ekstrang baterya para sa mga flashlight, at i-charge ang mga mobile phone.

Ipinakita rin ng Globe ang suporta nito sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng Batangas sa pamamagitan ng pagbibigay sa pangunahing evacuation center ng mga kakailanganing kagamitan ng mga evacuees.

Nagbibigay din ang Globe sa mga kustomer nito ng libreng data access para sa mga website ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) (https://ndrrmc.gov.ph/)  PHIVOLCS (https://www.phivolcs.dost.gov.ph/).  Pinapaalalahanan din ng Globe ang publiko na makinig lamang sa mga lehitimo at pinagkakatiwalaang websites para sa tamang impormasyon.

Para sa karagdagang impormasyon, i-follow lang ang GlobeICON on Facebook o bumisita sa globe.com.ph para sa pinakahuling #StaySafePH advisories.

Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals at nangangakong itataguyod ang 10 United Nations Global Compact principles https://www.globe.com.ph/about-us/sustainability.html.