Nation

MICROSOFT PHILIPPINES MAY LIBRENG ONLINE CONFERENCE SA ALS LEARNERS

/ 25 January 2021

INAANYAYAHAN ng Microsoft Philippines ang mga interesadong Alternative Learning System learner na lumahok sa kanilang libreng online conference.

Ito ay gaganapin sa Enero 28, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali. Ang webinar ay may temang “Asenso Pilipinas 2021: Building Digital Resilience.”

Layunin nito na tulungan ang mga mag-aaral tungo sa digital transformation at employability.

Ito ay sa pamamagitan ng iba’t ibang talakayan, kabilang ang paghahanda para sa job interview, epektibong pagsusulat ng resume, mga kasanayan at kakayahan na hanap ng mga employer sa kasalukuyang panahon.

Ito ay makatutulong din sa mga ALS learner na makakita ng trabaho.

Para makalahok, maaaring magparehistro sa  https://aka.ms/AsensoPilipinasStudents.