Nation

KALIGTASAN NG MGA KABATAAN PINATITIYAK SA PAGLUWAG NG RESTRICTIONS

/ 2 December 2020

NANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng mga kabataan sa gitna ng pagpapaluwag ng restrictions at pagpapahintulot sa mga menor de edad na makapunta sa mga mall.

“As the government plans to relax quarantine restrictions on minors, we trust that the government and mall authorities will be rigorous in implementing measures to ensure that safety protocols are observed,” pahayag ni Poe.

Ipinaliwanag ng senadora na dahil sa Covid19 pandemic, naiiba ang mundo ng mga kabataan sa gitna na rin ng pagpapatupad ng bagong sistema ng pag-aaral.

“Children’s lives have been turned upside down by this pandemic. Living up to the routine inside the home for months has been a real challenge for them,” dagdag ni Poe.

Sa kabila naman ng usapin na nangangailangan ng socialization ang kabataan, ipinaalala ng mambabatas na hindi pa rin natatapos ang laban ng bansa sa Covid19 hanggang wala pang ligtas na bakunang ibinibigay sa lahat.

“The government remains in a hunt for adequate funds to give the free shots at least to the most vulnerable sectors and needy segments of the population, and make them available at reasonable rates to those who can afford,” paliwanag pa niya.

Una nang pinayagan ng Inter Agency Task Force na makalabas ng kanilang mga tahanan ang mga menor de edad at makapasok sa mga mall sa kabila naman ng pagtutol ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na simulan na ang limitadong face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng virus.