INTERNSHIP PROGRAM NG DOLE BINUKSAN SA FRESH GRADS
/ 14 February 2025
BINUKSAN ng Department of Labor and Employment ang Internship Program nito upang bigyan ng pagkakataon ang mga fresh graduate, lalo na ang mga aspiring writer.
Ang sinumang interesado ay maaaring italaga sa Central Office.
Ang mga aplikante ay dapat nasa edad 18 hanggang 30, tapos ng high school o vocational, college graduate kahit wala pang work experience.
Alok ng DOLE ang minimum wage sa NCR sa mga makakapasa sa screening, accident insurance sa loob ng isang taon at certificate of completion.
Para sa mga interesado, magsumite ng resume, transcript of record at diploma.