ELEM, HIGH SCHOOL LEARNERS BAWAL MAG-ONLINE CLASS SA MGA INTERNET SHOP — PNP
PINAALALAHANAN ng Philippine National Police ang mga internet shop owner hinggil sa ‘no minor allowed’ rule at mahigpit na pagpapatupad ng health at safety protocols sa kanilang establisimiyento sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5, 2020.
Una nang inatasan ni PNP Chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang JTF COVID Shield, gayundin ang lahat ng police commanders na makipag-ugnayan sa mga local official sa kanilang mga areas of responsibility hinggil sa operasyon ng mga internet shop.
Inatasan ang mga pulis na paalalahanan at bantayan ang mga may- ari ng internet shops na pinayagan ng LGUs na mag-operate sa ilalim ng community quarantine, na mahigpit na sundin ang guidelines at quarantine protocols .
Nagbigayrin ng direktiba si Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, Commander ng JTF COVID Shield, dahil sa inaasahang mga paglabag at pagpapasok sa mga menor de edad sa internet shops simula sa susunod na linggo.
“We understand that a number of elementary and high school students in the public schools do not have computers, laptops and other gadgets for the opening of classes so there maybe some of them who would go to the internet shops for their online classes for the use of computers and to avail internet connections,” ayon kay Eleazar.
Magugunitang may ulat na ang gobyerno ang magpapahiram sa mga learner ng gadget para may magamit sa distance learning at upang maiwasan ang pagkasira ng kagamitan ay magkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga magulang at ng DepEd.