28 DAGDAG-ISKOLAR SA NAVOTAS
DALAWAMPU’T walong mag-aaral ang nadagdag na iskolar sa Navotas City para sa Academic Year 2021-2022.
Ang mga bagong iskolar ay kinabibilangan ng 15 na pumasok na high school freshmen, 11 na college freshmen, at dalawang guro na naghahangad ng mas mataas na edukasyon.
“We wish to congratulate our new academic scholars as well as their parents. While the pandemic has brought about overwhelming challenges to our school sector, our scholars persevered and strived to excel in their studies. They truly deserve the educational aid they will be getting from our city government,” sabi ni Mayor Toby Tiangco.
Ang mga iskolar ay sumailalim sa isang pagsusulit noong Hulyo at isang interview noong Agosto.
Ang mga iskolar ng high school ay makatatanggap ng P18,000 bawat academic year para sa mga libro, transportasyon, at food allowance.
Nasa P22,000 bawat academic year naman ang ipagkakaloob sa Navotas Polytechnic College scholars para sa tuition, libro, transportation, at food allowance habang ang scholars ng iba pang colleges o universities ay makatatanggap ng kabuuang P262,000.
Samantala, ang teacher-scholars ay bibigyan ng P75,000 bawat academic year para sa kanilang tuition, libro, transportation, food allowance, at research grant.