Overtime

BULLDOGS SINAKMAL ANG TAMARAWS

19 October 2026

BUMAWI mula sa malamyang simula ang National University Bulldogs upang ungusan ang Far Eastern University Tamaraws, 69-65, sa UAAP Season 89 men’s basketball kahapon sa Blue Eagles Gym.

Mula sa 39-47 pagkakaiwan sa first half, unti-unting nakabawi ang Bulldogs sa third quarter hanggang maagaw ang 59-58 kalamangan, sa pangunguna ng basket ni Mo Diassana.

Naging dikdikan ang labanan sa huling yugto, kung saan kapwa nahirapang makaiskor ang dalawang koponan. Tabla ang iskor sa 65-all nang maghatid sina Macmac Alfanta at PJ Palacielo ng mahahalagang puntos upang tuluyang makuha ng NU ang panalo.

Nanguna si Alfanta sa Bulldogs sa kanyang 14 puntos, dalawang rebounds at isang assist. Umangat ang NU sa 5-2 kartada at sumosyo sa University of the Philippines Fighting Maroons sa liderato.

Nag-ambag sina Palacielo at Tebol Garcia ng tig-13 puntos, habang kumana si Reinhard Jumamoy ng 12 at nagdagdag si Paul Francisco ng 10 para sa Bulldogs.

Nanguna naman sa FEU si Cabs Cabonilas na may 14 puntos. May tig-10 puntos sina Janrey Pasaol at Mo Konateh. Nahulog sa 4-3 kartada ang Tamaraws.