Overtime

NCAA: 4-GAME LOSING SKID PINUTOL NG LYCEUM

14 October 2026

HUMATAW ang Lyceum of the Philippines University Pirates sa krusyal na bahagi ng laro upang pataubin ang University of Perpetual Help Altas, 98-89, sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa Playtime FilOil Centre sa San Juan.

Umangat ang Pirates sa 2-5 kartada, habang bumagsak ang Altas sa kaparehong marka makaraang malasap ang ikaapat na sunod na kabiguan.

Naging dikdikan ang laban hanggang sa fourth quarter, kung saan tabla ang iskor sa 75-all bago bumanat ang Lyceum ng 9-0 ratsada, na tinuldukan ng basket ni McLaude Guadana para sa 84-75 bentahe.

Hindi na binitiwan ng Lyceum ang kalamangan at pinalobo pa ang bentahe nang magbaon si Jonathan Daileg ng tres para sa 95-83 abante, may 26 segundo na lamang sa laro.

Nanguna si Matthew Rubico sa Lyceum sa naitalang 21 puntos, pitong rebounds, apat na assists at isang steal. Nagdagdag si Renz Villegas ng 19 puntos, habang may 18 si Daileg, 14 si Guadana, at 11 si Roger Ondoa.

Para sa Perpetual, nanguna si Ray Maglupay na may 19 puntos, sinundan ni Angelo Gelsano na may 18. Nag-ambag sina LA Casinillo at Mark Gojo Cruz ng 17 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.