UAAP: LA SALLE BALIK SA PORMA
TINAPOS ng De La Salle University Green Archers ang kanilang dalawang sunod na pagsemplang matapos dominahin ang University of the East Red Warriors, 112-87, sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Nanguna sa opensa ng defending champions si Mason Amos na kumamada ng season-high 19 points, kabilang ang tatlong three-pointers.
Nag-ambag si Jacob Cortez ng 15 puntos, habang may tig-11 sina Henry Agunnane at Mikey Cortez, at tig-10 puntos sina Andrei Dungo at Joaquin Tovera para sa Green Archers, na umangat sa 2-2 marka.
Maaga pa lamang ay kontrolado na ng DLSU ang laro matapos kumawala sa 31-19 kalamangan sa pagtatapos ng first quarter.
Lumobo pa ang lamang ng Green Archers sa second period matapos silang magdagdag ng 30 puntos at dalhin ang 61-42 abante sa halftime.
Hindi bumitaw ang DLSU sa second half at umabot sa 89-65 ang kanilang kalamangan matapos ang third quarter.
Umabot sa pinakamalaking 28 puntos ang abante ng Green Archers pagsapit ng kalagitnaan ng final period bago tuluyang isara ang laro.
Hindi naging sapat ang 30 puntos ni Toper Lagat para maisalba ang UE. Nagdagdag sina Mo Tanedo ng 14. Gene Carillo at Kean Dungca ng tig-12 puntos. Laglag sila sa 0-4 kartada.
Iskor:
DLSU (112) – Amos 19, J. Cortez 15, Agunnane 11, M. Cortez 11, Dungo 10, Tovera 10, Pablo 8, Abadam 8, Gagate 6, Marasigan 4, Macalalag 4, Quines 3, Daep 2, Sharma 1, Sardon 0, Gomez 0.
UE (87) – Lagat 30, Tanedo 14, Carillo 12, Dungca 12, Vazquez 7, Robles 5, Cruz-Dumont 3, Edoukou 2, Santos 2, Sabroso 0, Jimenez 0.
Quarterscores: 31-19, 61-42, 89-65, 112-87.