Region

MGA ESTUDYANTENG LUMIKAS SA PAG-AALBURUTO NG MT. KANLAON INAYUDAHAN

/ 30 January 2025

PATULOY ang pag-ayuda ng Department of Social Welfare and Development sa mga student-evacuee upang makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral sa gitna ng patuloy na pag-aalburoto ng Mt Kanlaon.

“Our field office camp coordinators, despite their hectic daily schedule, find time to help our learners with their studies. In fact, some of our personnel even go the extra mile to entertain questions from learners who are having a difficult time understanding their learning materials on their own,” sabi ni DSWD Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Asst. Secretary Irene Dumlao.

Matatandaan na noong nakaraang December 9, nagkaroon ng mandatory evacuation sa lugar, bunsod na rin ng pagputok ng Mt Kanlaon, kung saan ang mga estudyante rito ay napilitang magsagawa ng blended learning o kumbinasyon ng face-to-face classes at modular learning.

Sa kasalukuyan, mahigit sa 1,600 school-aged children o mga estudyanteng nasa edad 6-12 ang nananatili sa may 23 evacuation areas na nasa paligid ng Mt. Kanlaon.

Ayon kay Dumlao, ang mga tauhan ng DSWD Field Office 7 sa central Visayas ay umaasiste sa mga batang mag-aaral na nasa evacuation center sa Linothangan Elementary School sa Canlaon City, para makapagpatuloy ng klase sa pamamagitan ng blended-learning.

Isa si Prince Rex Jorolan, Grade-7, sa nakikinabang sa tulong na ipinaabot ng ahensiya. Si Prince Rex ay kasalukuyang nasa evacuation center sa Linothangan Elementary School.

“I have to finish my science module because I have class at St. Joseph College in the afternoon,” sabi niya.

Sa kabila ng hirap na pinagdaraanan, sinabi ni Rex na nagpapasalamat pa rin siya sa tulong at suporta na ibinibigay ni camp personnel James Rocel Borromeo, na isang Canlaon City link staff ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon kay Linothangan Elementary School camp manager Marestella Ocianas, ang mga estudyante ay tinutulungan ng mga school personnel na maihatid sa kanila  ang mga module at school material  papunta sa evacuation centers.

“From food provision, non-food items, monitoring that the evacuation centers are kept clean and safe, down to our sector-specific support to our learners, elderly, pregnant, and nursing mothers — we will continue to extend these to them until the situation finally allows our kababayans to return to their normal lives,” sabi pa ng DSWD spokesperson.