Region

GRADE 11 PATAY SA HAZING

/ 1 October 2024

ISA na namang lalaking estudyante ang nasawi sa umano’y hazing sa Jaen, Nueva Ecija.

Ang biktima ay kinilala ng Jaen Municipal Police Station na si Ren Joseph Bayan, 18, residente sa lugar.

Natukoy ang sanhi ng kamatayan ng biktima nang isalaysay ng tiyahin nito sa pulisya na nasa final stage na ang hazing sa kanya sa bayan ng
San Leonardo.

Alas-10:30 ng gabi nang iulat ng kanyang tiyahin sa pulisya ang pagkamatay ng pamangkin.

Napag-alaman na inihatid ng mga suspek sa kanilang bahay ang walang buhay na si Joseph.

Nakipag-ugnayan naman ang Jaen Police sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang isailalim sa autopsy ang biktima.