Overtime

NCAA: CARDINALS NO. 1 TEAM

DINISPATSA ng Mapua ang Arellano University, 75-69, upang makumpleto ang sweep sa second round at tumapos bilang No. 1 team sa NCAA men's basketball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome.

17 November 2024

Standings W L
*Mapua 15 3
*Benilde 14 4
*San Beda 10 8
*LPU 10 8
EAC 9 9
Letran 8 10
Arellano 7 11
Perpetual 7 11
SSC-R 5 12
JRU 4 14
*Final Four

DINISPATSA ng Mapua ang Arellano University, 75-69, upang makumpleto ang sweep sa second round at tumapos bilang No. 1 team sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome.

Nanguna sina rookie standout Chris Hubilla at reigning MVP Clint Escamis para sa Cardinals.

Nagtala si Hubilla ng near double-double na 12 points at 9 rebounds, habang umiskor din si Escamis ng 12 points, na sinamahan ng 5 boards, 3 steals at 3 assists.

Kinumpleto ng panalo ang kahanga-hangang nine-game sweep ng Mapua sa second round, tinapos ang elims na may 15-3 record, at naisaayos ang Final Four matchup sa Lyceum of the Philippines University, na nakuha ang fourth spot na may 10-8 record.

Magsisimula ang semifinal clash sa Sabado sa parehong venue, kung saan kailangan lamang ng Cardinals ng isang panalo para makabalik sa best-of-three championship series.

Target ng Mapua na makabawi makaraang kapusin para wakasan ang kanilang 33-year title drought noong nakaraang season, matapos matalo sa eventual champions San Beda.

Gayunman, nanatiling nakapokus si Cardinals coach Randy Alcantara sa immediate task laban sa mapanganib na Pirates.

“Pahinga muna, and siyempre LPU maganda panalo nila. Final Four preparation dapat double, triple effort, and as much as possible, fresh legs,” sabi ni Alcantara, binigyang-diin ang kahalagahan ng pahinga at paghahanda para sa naghihintay na crucial stage.

Sa panalo ay nakaiwas din ang Mapua sa potential semifinal clash sa San Beda, na makakasagupa ang College of Saint Benilde sa isa pang pairing.

Nahulog ang Blazers sa ikalawang puwesto na may 14-4 record makaraang matalo sa Pirates noong Biyernes, at nahaharap sa mabigat na hamon na makasagupa ang Red Lions sa semifinals.

Nalasap ng San Beda ang 70-79 decision sa San Sebastian para magkasya sa 10-8 record. Sa kabila ng kabiguan, tangan ng Red Lions ang tiebreaker kontra Pirates para sa third place.

Tinapos ng Arellano ang kanilang season na may 7-11 kartada.

Iskor:
Unang laro
Mapua (75) – Hubilla 12, Escamis 12, Cuenco 11, Recto 8, Garcia 8, Mangubat 7, Concepcion 6, Bancale 5, Igliane 3, Jabonete 3, Fermin 0, Abdulla 0.
Arellano (69) – Geronimo 15, Ongotan 13, Capulong 12, Hernal 10, Borromeo 7, Miller 3, Camay 3, Vinoya 2, Abiera 2, Rosalin 2, Espiritu 0, De Leon 0, Libang 0, Estacio 0.
Quarterscores: 22-10, 34-24, 57-44, 75-69
Ikalawang laro
SSC-R (79) – Escobido 19, Are 13, R. Gabat 12, Felebrico 11, Ricio 7, P. Gabat 6, Velasco 4, Maliwat 4, Suico 3, Aguilar 0, Lintol 0, Cruz 0, Ramilo 0, Pascual 0.
San Beda (70) – Sajonia 14, Andrada 9, RC Calimag 8, Puno 6, Celzo 6, Songcuya 6, Tagle 6, Payosing 4, Culdora 4, Estacio 3, Royo 2, Jalbuena 2, Bonzalida 0, Calimag 0.
Quarterscores: 22-27, 42-48, 61-60, 79-70