Nation

FIGHTING MAROONS SOLONG LIDER

26 October 2026

SUMANDAL ang University of the Philippines Fighting Maroons sa mainit na second half upang pataubin ang University of the East Red Warriors, 101-70, at  masolo ang liderato sa UAAP Season 89 men’s basketball kahappn sa Blue Eagles Gym.

Nanguna si Veejay Pre sa opensa ng Fighting Maroons sa kinamadang 14 puntos, anim na rebounds at limang assists. Nagdagdag si Gani Stevens ng 13 puntos, habang may 12 puntos si Miguel Palanca.

Umangat ang UP sa 7-2 kartada at iniwan ang iba pang koponan sa karera para sa liderato. Samantala, nanatiling walang panalo ang UE matapos ang siyam na laro.

Agad na nagpakita ng lakas ang Fighting Maroons sa first quarter sa pamamagitan ng 29-17 kalamangan. Gayunman, nakabawi nang bahagya ang Red Warriors sa second quarter upang manatiling kompetitibo sa laban.

Muling kinuha ng Fighting Maroons ang kontrol sa second half hanggang sa maitala nila ang pinakamalaking kalamangan na 34 puntos sa fourth quarter.

Pinangunahan naman ni Toper Lagat ang Red Warriors na may 23 puntos, habang umiskor si Mo Tanedo ng 11. Gayunman, hindi nakasabay ang UE sa ratsada ng UP upang manatiling kulelat.