Letters of Youth

MOTIBO

/ 19 June 2021

Hindi ko alam kung tama pa ba itong nararamdaman ko. Hindi ko masisi kung nadala ako sa ipinapakita niyang motibo.

Naguguluhan ako sa aking nararamdaman para kay tita na sampung taon ang agwat sa akin.

Iba rin kasi ang tama ng pag-ibig eh! Hindi mo alam kung sino ang tatamaan at kanino ka mahuhulog. Walang sinasanto bata ka man o matanda. Sabi nga nila, “Age doesn’t matter”.

Naglakas loob akong umamin kay tita. Subalit napaiyak na lang ako sa kaniyang tinuran, “Hindi pwede! At I don’t like you!”

Paano niyo nasabing hindi niyo ako gusto? Puro like nga ang react niyo sa FB ko.