Letters of Youth

ITLOG NI TATAY

/ 20 June 2021

Umaga hanggang tanghali ay abala si tatay sa pagtatrabaho sa isang construction site, dahil yun ang kanyang paraan upang makapag provide para sa aming pamilya.

Hindi ganun kaganda ang buhay namin kaya subsob si tatay sa trabaho, at kahit ano ay pinasok niya para lang mabigyan kami ng magandang kinabukasan.

Pagsapit ng hapon ay pandalas na naligo si tatay, inayos ang sarili, nag pabango upang maging kaakit-akit sa mga tao.

Pagkatapos ay pumupunta na siya sa kanyang pwesto upang ipagbenta ang itlog niya. Tawag dito, tawag doon, kahit kanino basta ang mahalaga ay maibenta niya ang kanyang itlog.

“Balot, balot sigaw ng tatay ko”