Region

SPED STUDENT SA CAGAYAN ‘WAGI SA MATH OLYMPIAD

/ 25 June 2021

ISANG Grade 2-SPED student sa Aparri, Cagayan ang nagwagi ng bronze medal sa Philippine International Mathematical Olympiad.

Nakopo ni Stana Gabrielle Garcia Torrado ang medalya matapos ang heat round ng PHIMO.

Si Torrado ang naging kinatawan ng lalawigan ng Cagayan sa naturang patimpalak.

Ayon kay Mary Ann Lim-Palolan, guro sa Aparri East Central School at nagsilbing coach ni Torrado, deserving ang estudyante sa medalya dahil nag-ensayo itong mabuti para sa kompetisyon.

Si Torrado rin ang kauna-unahang estudyante mula sa Cagayan na makatatanggap ng scholarship mula sa Mathematics Olympiad Training Incorporated.

Nakatakda ang final round ng kompetisyon sa Setyembre 24, 2021.