PILOT F2F CLASSES SA 3 ISKUL SA ZAMBALES ‘DI NATULOY
HINDI natuloy ang pilot implementation ng limited face-to-face classes sa tatlong eskwelahan sa Zambales.
Ito ay makaraang magpositibo sa Covid19 ang ilang guro doon bago pa magsimula ang in-person classes, ayon kay Department of Education Assistant Secretary Malcom Garma.
“Some teachers tested positive in [the] antigen test prior to start of classes and [are] awaiting for confirmatory test results,” sabi ni Garma.
Ang mga paaralan na na-postpone ang pagbubukas ng face-to-face classes ay ang Banawen Elementary School sa San Felipe, San Marcelino National High School at Baliwet Elementary School sa San Marcelino.
Ayon kay Garma, nag-request ang Banawen ES at San Marcelino NHS na ituloy ang pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.
Ang pilot run ng in-person classes ay nagsimula na nitong Nobyembre 15.