KLASE SUSPENDIDO DAHIL SA SHEAR LINE, PAG-AALBURUTO NG MT. KANLAON
IDINEKLARA ng lokal na pamahalan ng Amulong, Baggao, Cagayan ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa kanilang nasasakupan.
Bunsod ito ng patuloy na pag-ulan sa nasabing lugar na dulot ng shear line, isang weather system na nagdadala ng kaulapan at ulan.
Nilayon ng pamahalaang lokal na maproteksiyonan ang mga mag-aaral, guro at iba pang school workers laban sa mga pag-ulan at maging pagguho dahil maaaring lumambot ang lupa dahil sa ulan.
Samantala, wala ring pasok sa mga paaralan sa ilang lungsod sa Negros Occidental dahil sa nagpapatuloy na pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon.
Kabilang sa mga walang pasok sa lahat ng antas ang La Carlota City, hanggang January 3, at magpapatupad ng blended learning delivery modality.
Wala ring pasok sa Las Castellana, all levels.
Pinayuhan naman ang mga residente sa lugar na laging i-monitor ang anunsiyo hinggil sa pag-aalburuto ng Bulkang Kanlaon.