Nation

NHCP: RABIYA HINDI LUMABAG SA FLAG LAW

/ 17 May 2021

NILINAW ni National Historical Commission of the Philippines Heraldry Division Head Juan Paolo Calamlam na hindi nilabag ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang Flag and Heraldric Code of the Philippines matapos niyang isuot ang national costume na tila bandila ng Filipinas.

“Hindi po [lumabag]. Hindi po nagba-violate ang costume dahil elements lang po ng flag ang ipinakita, kaya  hindi siya ang flag na nakasaad sa Constitution na siyang pinoproteksiyunan ng RA 8491,” sabi ni Calamlam.

Pahayag niya ito sa Facebook matapos na magsunod-sunod ang tanong ng taumbayan kung bawal ang isinuot ni Mateo sa pre-pageant ng Miss Universe competition noong isang araw.

Sa Section 34 ng batas ay nakalista ang mga ipinagbabawal gawin sa watawat: (a) to mutilate, deface, defile, trample, on or cast contempt any act or omission casting dishonor or ridicule upon the flag over its surface; (b) to dip the flag to any person or object by way of compliment or salute; (e) to wear the flag in whole or in part as a costume or uniform.

Bagaman bawal suotin, hindi naman “whole” o “part” ang national costume ng kandidata. “Elements” lamang ang naririto na naging inspirasyon para sa patimpalak.

Ang posisyon ay sinusugan ni NHCP Researcher Ian Alfonso at Public Historian at De La Salle University Professor Xiao Chua.